three in the morning
I'm wishing for a schedule bidding again. According to my ever-pretty and reliable source, Dem, magpapalit daw talaga ng schedule dahil mali ng forecast ng calls na papasok. True enough, queuing talaga kasi for the past two days e. (Sorry naman, hinanap ko pa talaga sa merriam-webster ang verb form ng salitang queue, so either queuing or queueing, TeleTech term for calls that are piling up kapag understaffed or abnormal ang staffing tulad ngayon, or pag marami lang talagang tumatawag).
[Nagyayang kumain si Tin, kaya pansamantalang naputol ang blogging. Now I'm back, with 11 minutes left before log-in]
Random thoughts... hindi ko alam kung ano ang ilalagay sa blog e. I just feel like blogging today, considering the fact na ang gagawin ko na naman ay i-email ito at sa bahay i-post. Nyahahaha!
Nag-log in na ako. Good Lord, salamat at avail pa rin. Sana huwag mabati. * (Ayan, nabati nga. You know what it means kapag may * di ba?). Still amazed about how U.S. phone companies came up Number Portability. You can take your number with you, lumipat ka man from Sprint to Cingular, to Verizon, to TMobile, to Nextel, then back to Sprint. No wonder these people mastered the art of company-hopping from one wireless provider to another, which in turn, caused us a lot of work and headache, pero work nonetheless. Aba, kung wala sila, wala kaming trabaho ngayon. Kung pwede lang bang i-adopt dito sa Pilipinas ang Number Portabilitiy, e di sana matagal na akong lumipat sa Globe and still keep my number na may mahigit isang taon ko na rin namang gamit, if I'm not mistaken. Hassle nga naman talaga kasi ang magpalit ng number at i-text ang 250 people sa phonebook mo * na "hi si choi 'to, save my new number..." (yeah, pag when I send text messages, lahat lower case, at mahilig sa '...'). But you know, * naikwento ko naman how Customer Service here in the Philippines kinda sucks, might as well not pursue the portability thing. Maayos na nga ang technology at customer service namin, may mga tangang Amerikano pa ring nagagalit, dito pa kaya sa Pilipinas...
Naaliw naman ako, in all fairness ang bilis ko na mag-type ngayon ha! Nung last time na nag-apply ako sa Jobstreet sa Ortigas (which endorsed me to TeleTech by the way), nasa 30+ wpm lang ako. After 2 months working with Sprint, I'm about to resign nga and I'm looking for a new job. Nag-apply ako sa Jobstreet, Makati naman. 49 wpm na. Woohoo! Alam ko na ang susunod kong sideline kapag nag-quit ako sa work. Theses, o kaya typing job. Nyehehe!
Nakakainis... kung kailan stressed ako, saka ako tumataba ulit. Sige, Chris, you won. Mas pumayat ka na nga. Hindi na ako tinantanan ni Jing at Xenia sa panlalait, "Choi tumaba ka na..." Paano na 'yan, malapit na ang November? Hala... Birthday ko na...
Speaking of birthday... may balak ako sa birthday ko. Not actually sa mismong araw, ayoko naman mapraning ang nanay ko. She always believe na kapag birthday mo lapitin ka sa disgrasya. Kaya naman ayaw niyang manlibre ako sa labas at instead sa bahay nalang daw ako magpa-party (baka nga naman daw madisgrasya ang bulsa ko...). Siguro baka mga September ko gawin. Wait! I suddenly figured something out! Finally alam ko na kung kailan ako dapat mag-VL... Yehey!!! Ayoko munang ikuwento, surprise muna. Baka mabati e. Pero I'm excited. Super excited. Hihingi na nga ako ng VL form e. Now na! *
Isang kapapasok pa lamang na balita. Side-by-side evals from TL Fran: 96%. Woohoo!!! ang markdown ko lang, tulad ng dati, I don't address the caller by name. E pasensya, hindi kami close. At mas kakapapasok lang na balita, system outage na naman... Haaaay... wala na naman kaming system. Buti naman at pa-logout na. Hehehe!
Well I guess that's just about it po. Sabi ko naman random lang e. Pasensya sa magulong entry. Na-excite ako, dahil sa blog ko naisip ko na kung para saan ang VL ko. Hehehehe!!!
0 ang nakibasa sa assignment ko...
Post a Comment