let's what?

'Yan ang bagong youth-oriented show ng ABS-CBN, na hindi ko alam kung kailan ang premiere.
Tungkol daw 'to sa buhay ng college students na nasa dorm. Yeah, youth-oriented show nga ito, no doubt. At least, hindi ito masyadong pa-cute katulad ng G-Mik or masyadong inclined sa maturity tulad ng Buttercup. Just right, pero sana lang huwag sumablay. Sa dami ng characters (dose? tama ba?), sana lang wag mahilo writers nila.
What makes it different is that hindi pa masyadong kilala 'yung cast. Fresh faces talaga, I have no clue kung saan pinagkukuha 'yung mga 'yun. But I think they're chosen based on the characters sa script, kaya mas OK. Compared sa mga paulit-ulit na mukha na nakikita natin sa TV day-in-day-out, na sila pa ang naga-adjust sa character and yet hindi naman ma-justify ang role.
ABS-CBN is at it again... sige good luck ha.
At saka sana, by the time na maka-graduate ako e may matira pa akong concepts. Dream job ko talaga maging writer sa ABS-CBN e. Yeah, maging writer ng isang youth-oriented show/series/sitcom. TGIS-Gimik days pa lang, sabi ko sa sarili ko, "Gagawa din ako ng ganyan... nyehehehe!" Corny 'no? Walang corny-corny basta ba mag-rate e. At saka alangan namang pangrapin ko ang NBC at CBS at Fox di ba? Malabo naman 'yun. So dito na lang ako sa Pilipinas. Hehe!
Sige, go na kayo. Sunod na lang ako. Mga, 3 years from now? Hehe!
0 ang nakibasa sa assignment ko...
Post a Comment