mistake number three
Feeling ko napakasama ko nang tao just by not hearing Mass every Sunday. Nasanay lang kasi, ganun talaga kami pinalaki ng aming mga magulang. Naks! Pero 'yun nga. Ang nakakahiya pa, kung kailan ako nagkaroon ng work (na talaga namang pinagdadasal ko way back...), saka pa ako hindi nakakasimba. Ang mas nakakahiya pa, the church is just some 50-calorie walk from the office. Should I be thrown now to the flames of hell?
First time kong magsimba (as in one whole Mass), dun sa enggrandeng simbahan malapit sa Baywalk, 'yung Shrine of Jesus (nakalimutan ko kung anong shortcut name ng simbahang 'yun). Well, yeah, dun kami nag-National Youth Day way back 1999, pero 'yun lang. Syempre back then, kasama talaga sa activities ang Mass. Ngayon lang ako 'nakapagsimba' dun. At in fairness, mga shala 'yung nakasabay ko dun. Syempre may mga kotse sila... Sino nga namang magtitiyagang magsimba sa simbahang nasa gitna ng isang malawak-na-lupaing-dating-dagat?
Overwhelming 'yung feeling kapag dun ka nagsimba, or at least para sa 'kin. Wala lang, ang laki ng simbahan, mararamdaman mo ang solemnity ng lugar. Ang presko pa kasi medyo malapit nga sa dagat. Sobrang solemn, inantok ako. Sorry Lord, alam ko gising ka 24/7, e kaso dito sa earth kailangan may 8 hours sleep ka, alam Niyo naman po 'yun di ba?
Naaliw pa ako sa gospel kanina. It's Good Shepherd Sunday pala, para sa mga pari, madre, at lahat ng mga nag-devote to serve God. Which reminds me, noong bata ako, wala akong pakialam kung ayaw niyo maniwala, pero pinangarap ko maging pari. Hindi ko rin alam kung bakit. A lot of things. Gusto kong maiba, halos lahat e gusto maging doktor, aba baka maubos na lahat ng sakit at lahat ng maysakit sa mundo. Tapos when I was a kid, palagi nilang sinasabi na "mabait 'yang si Choi... behave 'yan..." na parang wala akong masyadong exceptional talent like magaling sumayaw, kumanta, mag-drawing, kumain ng apoy, tumulay sa alambre, bumuhay ng patay. So kung mabait kang bata, paano mo 'yun mapa-pattern sa ambition mo di ba? E di mag-pari ka na lang. So 'yun ang naisip ko. Malay ko bang magiging tarantado akong bata paglaki... Pari ka diyan, 17 pa nga lang, naka-plot na ang gusto kong family structure, at kung sino ang magiging ina ng mga anak ko. Though marami sila... hehehehe!
Lesson learned: you should always find time every Sunday to go to Mass. Kahit go lang, hear Mass is another thing, participate is yet another one. It's just an hour, you know? Ako, aminado ako, sa shift ko dati na [Saturday] 8pm- [Sunday] 7am, kung tutuusin may panahon akong magsimba dahil wala naman akong shift Sunday night. Kaso tinatanghali lang ako kaka-chika sa mga kasama ko sa floor, or kakahintay sa mga pwede makasabay pauwi. Either wala nang Mass dahil tanghali na, or sobrang init na at hindi ako makadilat. Lame na kung lame ang reason, pero kung kayo ang may ganitong trabaho (at nasira pa ang shades), mahirap na talaga 'yung hindi ka makadilat sa tindi ng araw. Kanina, alam ko, sa dami ng mga Linggo na hindi ako nakapagsimba (kasama Easter), nag-sacrifice na talaga ako. 9am 'yung mass, 8am pa lang andun na ako. Umuwi akong matindi na rin 'yung araw sa labas, pero hindi na ako nag-taxi. Tapos naje-jebs pa 'ko. Hindi naman sa nagmamalaki or nanunumbat ako. Pero totoo, kung gusto, maraming paraan; kung ayaw, umuulan ng dahilan. Hindi rin ako pari o banal, pero sa Kanya rin naman tayo lumalapit kapag may problema tayo di ba? Siya, wala Siyang problema, He just wants us to celebrate with Him one hour every week, hindi pa natin magawa. And besides, kaya nga may Jollibee ayt? (uhm, OK, motivation 'yan for kids...)
Mahirap, pero susubukan kong wag na maulit ang mistake number three. Never to break God's Third Commandment. Sana lang masustain ko. Pero since na-miss ko naman talaga magsimba, feeling ko makakaya 'kong magbalik-loob. Hehehe!
2 ang nakibasa sa assignment ko...
na-guilty naman ako.. hndi kasi ako nagsimba kahapon e. hehe! :D peace Lord! :D
naka-online ka ngayon? as in right this very moment? ang galing! sabay tayo!hehe!
Post a Comment