speaking of...
Speaking of Nip/Tuck, hindi ko alam kung anong season na ng Nip/Tuck. Pero maganda pa rin naman siya. Never became a follower, pero everytime na maabutan ko siya sa ETC e pinapanood ko naman. Huli kong panood, 'yung pasyente nila e isang babaeng may Stigmata wounds (that movie freaked the hell out of me, by the way), tapos may nagsasabing hindi raw 'yun wounds ng Stigmata, may sakit lang daw siya sa utak or suicidal or something. Basta. Tapos ang napanood ko naman kanina, 'yung pasyente ni Sean e isang ex-con. Pasyente naman ng isang doctor na partner niya (Chris ba pangalan nun? Sorry nanghula lang ako e...) 'yung ape sa zoo (scientific contribution niya daw 'yun). Pero the episode was more on Sean's son Matt, who learned that her girlfriend is a he. Hindi ko masyadong na-gets, pero si Sean ata ang nag-opera dun sa "guy" tapos naging sila ni Matt. Basta ang naabutan ko na lang e inamin ni Sean sa anak niya na lalaki nga 'yung girl na 'yun. (Lalaki 'yung girl na 'yun? Ano daw?). Ayun. Tapos may isang scene dun na si Marlon ('yung ex-con), hinahabol ng mga taong parang gangsters na ex-con din siguro. Si Matt naman hinahabol ng isang tropa ng bading (nakakatakot talaga kasi ang laki ng katawan nila pero cross-dressed) na ka-tropa ng isang cross-dresser na binugbog niya the night before. Ngayon lang ako nakakita ng isang batalyong bading na mas malaki pa ang katawan kaysa sa 'kin. Pero ang galing ng execution nung chase, simultaneous. Pati 'yung bugbugan. Galing...!
Speaking of bading (umuulan ng word na "bading" a), may isang agent sa dati kong account (which is Best Buy) na kamukha nun ni Matt from (Nip/Tuck, never mind kung hindi ka naman talaga nanonood). And surprisingly, bading din siya. Hehe! Pero may mga kakilala talaga ako na may crush sa kanya, girls a. Sinasabi nga nila na "Hay nako, crush na crush ko talaga 'yan si *insert name here*, sayang bading siya..." Well, kung naging lalaki siya, I'm sure maraming girls na maloloko 'yun. Kapag nga tumatabi ako dun, feeling ko super itim at super pangit at super jologs ko. Ganun.
Speaking of Best Buy, I'm so so so happy for my Best Buy friend (and mom) Jae. Next level na sila ng love interest niya (that guy na sabi niya e 'dad' ko raw...). Sabi ko kay Jae dati, "oo, torpe talaga 'yang si *dad*, e kanino pa ba naman ako magmamana di ba?" Pero ngayon, things are really running fast-paced after that company outing sa Splash Island. Natutuwa naman ako kay Jae, that smile on her face isn't really fading, sobrang kilig kasi. At 'yung mga kwento niya sa 'kin, hay, parang high school. They both know they've got something, pero walang umaamin. Dahil hindi pwede, dahil sa circumstances involving work. Ayoko ngang i-elaborate dahil my blog is not for gossips about someone else's life. Pero to Jae, for now, enjoy the "mystery" na lang, even if it's not a "mystery" anymore. Gets? And salamat talaga sa Sun sim, mom! Super thanks!
Speaking of Sun sim, may Sun sim na ako. (Oo nga Choi, obvious namang kasasabi mo lang). So sa mga Sun texters 'jan, lemme give you my number. 0922*******. Ehehehe! Kinuha ko siya kanina (or kagabi, basta mga 10pm Monday night Manila time) kay Jae, since excited na rin ako makibalita sa kanya at miss ko na rin ang Tazo ng Starbucks. Libre nga siya, pero sa mga nagastos ko kagabi (taxi, Tazo, load), e parang bumili na rin ako. Pero Jae, thanks pa rin ha! Kahit na hindi ako pinapasok ng guard sa TeleTech (sobrang dressdown kasi ako for a corporate Monday night), at least may sim na ako. Yay! And at least, nakalabas ako ng bahay.
Speaking of bahay, medyo nagi-guilty na rin ako. Lately, matamlay ako pag nasa bahay. Walang makakausap sa akin nang matino. Nanay ko, panay ang pakain at pag-asikaso sa 'kin, dahil hindi normal sa anak niyang si Choi ang matamlay sa bahay. Pati sa ate ko tinatanong niya kung bakit daw ako nakasimangot, sabi ko na lang "puyat kasi ako e." Palagi rin nila ako pinagsasabihan na "ano ba 'yan, nangangayayat ka, pumapangit ka na, bagsak na bagsak na 'yang katawan mo, para kang nagkasakit, tigilan mo na nga 'yang reduce-reduce na 'yan..." At, hindi na nila ako inaasahan sa gawaing bahay. Hahayaan nila akong buksan ang computer or manood ng TV or mag-gym or matulog or lumayas late-night kahit walang pasok. Nakaka-guilty lang kasi ginagawa nilang lahat 'to dahil they're trying hard to please me dahil obvious na something's (or some things are) bothering me. Sa blog man lang, allow me to apologize for acting strange. Nagsabay-sabay lang lahat ng problema. Problema mo na nga 'yung pera sa bahay, problema mo 'yung stats mo sa work, pati ba naman lovelife na never kang nagkaroon e problema mo na rin? Ganun kabigat. Kaya sorry na lang. Pero 'yung pangangayayat ko, ehem, effort talaga 'yan. Well, partly dahil sa problema sa love life kaya nag-super effort maging fit. I'm almost there, by the way, exagge lang 'tong nanay ko by saying bumagsak daw katawan ko. Pero basta, sorry ulit.
And speaking of sorry... nag-sorry sa amin si TL Ben dahil nga sa hindi niya kami nako-coach on QA and performance. OK lang 'yan TL, obvious naman dahil salisi nga ang sched natin. Opening kami, closing ka. May pasok ka kapag-off namin. May pasok kami kapag-off ka. And hayaan mo 'yung mga taong pine-pressure ka. Pag hindi mo na kaya, resign! Haha! Joke! Kaya 'yan TL. Go!
Hm... Bakit nga ba "speaking of" e hindi naman ako nagsasalita? Nagta-type ako e...!
5 ang nakibasa sa assignment ko...
hindi si sean mcnamara ang nag-opera kay eva para maging babae. it was this mad doctor who wanted to create a perfect woman. tapos kaya nalaman ni sean kasi christian troy wento to eva's house tapos sineduce ni eva si christian. tapos nung pinasok na ni christian yung thing niya kay eva, shallow yung vaginal canal. and chris being a surgeon, nasense nya that eva is a fake. ayon. tapos nung hinugot ni christian, sabi ni eva, "am i not woman enough for you, christian?" tapos yon... christian told sean about eva's identity. tapos sinabi ni sean kay matt. nagalit naman si matt. season 2 yung pinapalabas ngayon. malapit na season 3!
wow... salamat sa clarification ha. so tama nga akong Chris yung pangalan nung isa pang doctor? hehehe Christian Troy nga lang. hindi ko kasi 'to masyado masundan, i have Monday shifts back then, ngayon wala na. The O.C. nasundan ko, nabaril ni Marissa si Trey. hehe! wala lang!
asan na nga pala blog mo? natuloy kayo ni Cy sa atc?
ano namang kinalaman ng monday shifts mo eh tuwing sunday 11pm naman yon pinapalabas!!! oo natuloy kami... kasama namin si rc! ang sarap!!! next time sumama ka... nagdadrive na pala ako... so, alamoyon, lifestyle of the rich and the famous na ako!!! bwahahahaha!!!
syemps kung sunday 11pm yon ang pinapanood ko nomination night... or last sunday ang pinanood ko e Princess Diaries saka Pinoy Pop... tinatawagan kita kahapon kasi nasa rob place ako. movie marathon tuloy ako mag-isa. nga pala 'yung sun number na tumatawag sa 'yo, ako 'yun. save mo. thanks
susko! kung alam ko lang na ikaw yon edi sana pumunta ako. akala ko kung sinong maniningil eh. sa susunod naman magpakilala ka. okey?! bwahahahahaa!
Post a Comment