ayun 'yung title sa dulo
Weird kagabi, for the first time e hindi ata ako nagpauto. Scenario: 20 minutes before login. 10 minutes waiting for my rocket, er, cab to come. Light to moderate rainshowers. Then, with what seemed like a gift from heaven, or a crap from hell, a cab rushes by. "Kuya, sa may Mall of Asia lang..." sabi ni Choi. "A... e... 100 pesos" sabi ni manong driver. Ambisyoso ang lolo mo! 60 pesos lang kaya mula sa amin hanggang MoA, 50 pesos kung sa EDSA, otherwise sa World Trade/Buendia ang daan, which is farther. The old Choi will frown and open the door, "Sige na nga." Pero sorry, kagabi, sabi ko lang "Hindi na huwag na." Eto pa, without missing a beat, the glorious 'F' word blurted out. 'F' as in "Funyeta!" Hahaha! Joke. Buti nga "Fuck you" lang naabot sa 'kin ni Mang Ambisyoso e. Hello, dilaw ang taxi niya, pero hindi isang gintong karwahe. Keber na kung ma-late. Pero hindi ako na-late. Yehey! Pero nga lang, tulad ng dati, tinakbo ko na naman ang station kong nasa dulo ng dulong cluster. Beat the time marathon talaga kung alam niyo lang almost every night. Kinuwento ko kay Cherry, sabi niya "Nahahawa ka na sa 'min. Tumatanda ka na, sumusungit ka na e." Nyahaha! Ganun?
Talaga naman... Beggars can't be choosers, pero hindi dito sa Pilipinas. Sumakay ako ng jeep pauwi. May katabi akong bata, nangongotong, ay, namamalimos pala ng pera. Naglalabas pa lang ng pera, kinalabit na naman ako. "Teka, hindi pa nga ako nakakabayad e." Pinaabot ko sa tao sa kabilang side ng jeep yung bayad ko, kasi nga katabi ko 'yung bata. Kaso 'yung sukli, salo niya talaga. At dahil diyan, sige, P2.50 ang sukli ko, tig-want-twennifayv tayo. Aba ang tiayanak, binalik sa akin ang beinte-singko! Ako pa ang nilimusan. Hayup!
Nitong umaga lang, dinalaw kami ni Ian, ka-wave namin sa Best Buy, who suddenly needed to leave us after failing ACE. Na feeling ko na-pulitika. OK Choi, shaddap! Pero 'yun. Long hair na, mas gwapo pa rin kaysa sa 'kin. Nasa West Contact Services na siya, pero aalis na din daw siya dun. Coincidentally, sa Jollibee Blue Wave, andun naman si Brian with his new batchmates (I can't say 'friends' yet, subukan mo lang Brian! Hehe!) from Dell. Malaki daw ang sweldo, pero stressful. Mas masarap daw mag port-in ng numbers or mag-cancel ng order. At eto pa, again, nakita ko ulit si Marie. My beloved Best Buy TL! Na mukha namang happy sa buhay niya ngayon sa Accenture. Miss you Marie! Hehe! Kanya-kanyang trip 'yan mga pare. Basta kung san kayo masaya, dun kayo. Sana lang alam niyo sa sarili niyo na to some extent e may happiness at contentment talaga kayo. Almost learned that lesson the hard way. Mabuti na lang at pinapirma agad ako ng papeles. Nyahaha!
Sabado na naman. RDOT day sana, pero hanggang ngayon, 16:14 Manila Time, gising pa ako. Cherry and I watched "Sukob" at Glorietta 1 Cinema 2. Sabi kasi ni Lequi nawalan siya ng boses kakasigaw. Ang Cherry, hindi naman napasigaw ever. Pero ako, sorry pero to date, ito pa lang ang horror movie na nakapagpabigat ng loob ko at nagpasigaw sa 'kin. I've been cussing a lot dahil talaga nakakagulat at the same time natatawa at naaliw ako dahil karamihan din napapasigaw, at natatawa ako dahil nga napapasigaw ako ng isang pelikula lang. Gets? Ayoko kasi ng nakikitang lumalapit 'yung creepy creature, or nakikita kung paano mamatay 'yung mga characters. Read great raves for this movie, which were true at one point. Aside from being frightened, isa lang ang palagi kong bukambibig while watching, "Shit, ang ganda ni Maja Salvador." Saw her once sa hallway ng ABS-CBN, (and don't mind asking ung saang game show ako pumila kaya ako nandun), and God! Sobrang simple yet sobrang ganda. Ayun... anyway may bading sa sinehan who kept shouting "Papa Wendell... more! More!" dun sa shower scene kung saan siya papatayin. Which is the corniest part of the film, because the whole 10 seconds was a "Ring" rip off. The Sadako-out-of-the-well scene, as you might have guessed. Ang taas na ng respeto ko kay Chito Roño e, ewan ko ba bakit may ganun. Pero talaga, maganda siya as a whole. Mapapaisip ka about the twists; it's fun dahil maraming napapasigaw sa sinehan. Halos magtago na nga ako sa clutch bag ko (sorry 'yun ba tawag dun sa usong pouch ngayon?) kasi nga ayoko ng may pangit na nanggugulat sa akin. Loved the editing. Scoring was effective. The lighting showed how grainy Kris Aquino's skin was. Kahit gaano siya kaganda at age-defied man ang buhok niya, her face showed aging. Neil Daza who did cinematography for Feng Shui and Spirits might've done wonders. Hehe! Overall, maganda siya. Pero pucha, sino ba si Helen???
Ang weird nitong Sabado. 'Yun lang.
0 ang nakibasa sa assignment ko...
Post a Comment