thr3epo.intzer0

 

Powered by Blogger

 

 

 

bakit "three point zero?" madalas kasi sa ibang school pasang-awa ang 3.0, pero sa la salle, maswerte ka na sa tres. hehehehe! feeling lasalyano? medyo lang. may sarili lang din akong standards. at hindi kasi ako yung tipong taong masyado mataas mag-ambisyon. in my everyday struggle in life, todo na yun, at mataas na grade na ang three point zero. for that reason, plus the obvious fact na third layout revision na ng blog ko. kaya version 3. kaya three point zero.

 Free Web Site Counters
Free Web Site Counters

 

 

 

 

 

 

 

 
alphabet ko... bakit ba?

spiring writer/location manager/DJ
atang Pasay
ommunication Arts undergraduate
ating University journalist (Plaridel...!)
x-Lasallian (BnE 2006... huhuhu...)
irst Year college... pa rin...
old's Gym - TeleTech member for P800!
ollywood sitcom buff
mpulse shopper... swear!
ason Mraz' all time fan (woohoo!)
wela and corny all at the same time
ogin ID 78117 (Sprint use only)
all-hopper... movie-goer...
ovember 02 1986 (alam niyo na ha ü)
n-leave from College... 2 years na...
rimetime TV ang pastime
uaker
® Instant Oatmeal lover-hater
eplay request (mahilig sa reruns...ü)
piderman (sa past life nga e!)
azo
® Green Tea from Starbucks ü
lysses Konstantin Manuba Largado
ery very very fickle-minded (yan a!)
ebsite designer/messer
E-accounting stud... haaaay...
oungest CSR ng buong wave... ye!
odiac: Scorpio (horny at romantic) 


cbox for all your shoutouts...!



previous posts syempre


frequently-visited sites, ewan kung bakit 'science'

[animo] [arriba] [bloodie cuties]
[
friends network] [friends transcript]
[friends video fever] [future] [inbox]
[internet radio] [maroon forum]
[movie and tv skeds] [movies]
[mraz podcast] [pahayagan] [pinoy forum]
[tabloidal] [tv2] [tv23]
[will and grace transcript]


blogs of friends na mas may kwenta kaysa sa 'kin

[chris] [cK] [cy] [dave] [dee-aye] [francine] [glaiza] [lequi] [macri] [noreen] [phil] [pinoyguyguide*chris] [rc] [rexyjolly] [ronald] [simonette] [tara] [toni] [winkle] [yshie]


quotes in english...

RADIO ANNOUNCER [VO]
And didn't Daddy tell us: "Winning goes to the one who wants it most"?
(quote from a radio announcer on voice over, capping Episode 4 - "Who's Your Daddy?" of "Friday Night Lights")


quotes in filipino... ano ba!?

Oist mga peeps! Gs2 nyo bng mg team building 4 d last tym? Txt bk please.
[allan 20-Nov-2006 12:59:23]

*o di ba allan, walang sawaan? sa akin OK lang, basta may budget... saka 'yung christmas dinner pa ng team ha! pati kris kringle...!*


you find God in these people... minsan pa nga in your own self... wala lang! hinanapan ng relevance e no... pics lang yan!


 

 

 

20060422

mother's day

Haaaaay... I hate my mom. I hate her so much I think I love her more.

Todo naman na talaga kasi ang effort ko to lose weight. Kung ako lang talaga mag-isa, super oatmeal, tea, at mashed potato lang talaga ang kinakain ko (hmm... huwag umangal... sabi ng trainer ko better substtute daw ang mashed potato sa rice, basta less gravy). Medyo tinatamad naman na rin ako sa Gold's Gym. Dalawa lang kasi kami palagi ni Lailah or ni Aica (ehem... paging Lequi..., nag-cancel na raw si Saldy ng membership...). Kung ganito na rin lang na walang masyadong sumasama sa akin e di papatusin ko na 'yung bagong bukas na gym dito sa may Malate. Super cool kasi 24hrs siyang bukas. Talk about working out sa dis-oras ng gabi. No sweat!

Pero eto na, kapag nasa bahay ako. Ang nanay ko. Sorry pero kontra talaga siya sa mga plano kong magpapayat. Kakasabi ko lang (actually palagi ko na lang sinasabi) na, "Ma, hindi ako magra-rice for one month. Sabi ng trainer ko sa gym" kahit imaginary lang ang trainer. At hintayin mo bukas, ang nanay ko, magluluto ng adobo, friend chicken, corned beef. Syempre alangan namang papakin ko ang corned beef or isabaw ko sa oatmeal ang adobo di ba? Syempre mapapa-kanin talaga ako. Another example: nito lang, kaninang umaga pagkauwi ko galing shift. Paalis kasi sila ng pinsan ko papuntang palengke, e nakita nila ako papasok ng bahay. Niyaya muna ako sa Jollibee. Ay syempre, Jollibee ito. At nanay ko ang nagyaya. At libre niya! Why not! Tapos naalala ko din, after nung anniversary nila, bale Holy Monday 'yun. (Hahaha! Kinwento ko na 'to kay Simonette. Lunes Santo nagpa-spaghetti ang nanay ko. O san ka pa?!) Ayun nga, e papunta akong gym nun, sabi niya, "huwag ka nang umalis, kumain ka na lang..."

Ewan ko, hindi ko lang rin talaga matanggihan ang nanay ko. Nanay ko or 'yung food? Hmmm... both. Iba talaga magluto nanay ko, sorry. One of those "inner" reasons kung bakit ko siya pinipilit na hayaan na akong mag-rent ng sariling apartment/condo by 21. Kasi alam kong without her, mamamayat ako. Not that I want to cut her off my life entirely para pumayat na ako. Pucha hindi naman sagad sa buto ang pagiging vain at narcisstic ko. That's why I hate her kasi dahil sa kanya e hindi matuloy 'yung mga plans ko pumayat, and yet I love her kasi it just goes to show na ako pa rin ang bunso niya (koochi-koochi... hehehehe).

Well, I can't afford to lose my mom, so kung hindi pwedeng walang food, go supplements! Next week, susuyurin ko na ang Park Square at ang Glorietta to check on some supplements/fat burners na binebenta dun. Oo na, hindi na safe, kaya nga ikokonsulta ko muna dun sa trainer ko. Aba, maging sulit man lamang ang binabayad ko sa kanya (hehehe, which reminds me, hindi ko pa nafoforward sa account niya).

Pasenysa na kung sobra akong desperado to lose weight ha. May target lang talaga ako. Specific plans na kailangan ma-attain. Nasabi ko na dati na 'yun lang ang confidence booster ko. I mean, nakakapag-English naman ako (naman!...trabaho ko yun e!), hindi naman ako mukhang tambay na jologs, undergraduate nga ako pero employed naman. Physically insecure lang talaga ako. Like last week, sa Gold's Gym ang screening ng finalists for Mossimo Bikini Summit. Sabi ko kay Dianne, one of these days sasali ako dun. E anak naman ng Mossimo, paano ako sasali kung ang 6-pack ko e nasa gilid? Kailangan ng ibayong effort...! (Haha! Naalala ko tuloy, sobrang siksikan sa shower room dahil sa mga nagbibihis dun na models, tapos yung isang bading dun [bading nga ba siya?] inaayos niya yung brief or trunks or what not nung isang model [or siguro manager siya]... grabe nagulat talaga ako dahil halos full access na siya dun sa tool. Yikes! Kung ako 'yung model, sasabihin ko, "uhmm... sige Kuya marunong ako kumambyo OK?" Hahahaha!)

But just the same, kung gusto ako palamunin ng nanay ko, go ahead. Buti nga kami may nakakain e. At buti nga ako may nanay. Love you Ma! Baka napapagod ka na magluto kaya ko naman mag-hunger strike e. To my advantage. Hahahaha!

For the record: nagustuhan ata ng nanay ko ang tatay ko dahil chubby siya back then. Uhm... sana lahat ng girls katulad na lang ni Mama. Mahilig sa chubby. Hahahaha! Oops... hindi ako chubby, malalaki lang buto ko. Whatever!

0 ang nakibasa sa assignment ko...

Post a Comment