wanted: clown
(Leave of) Absence makes the heart grow fonder. Sa wakas, natuloy din ang matagal ko nang planong pumunta sa Letran. Mage-enrol ka na ulit? Hehe... wish ko lang. Nagpunta ako para mag-file ulit ng Leave of Absence. Never have I realized that I've finally learned to love Letran. Naalala ko, two years ago, sobrang sama ng loob ko habang nage-entrance exam sa Letran. Madali lang kasi ang exam dun (hindi sa pagmamayabang pero swear, madali lang!) kaya alam kong mapapasa ko siya. And passing the entrance exam means definitely leaving La Salle. Imagine, para kang naglalakad papalayo sa isang lugar na tinuring mong 'home' at mararamdaman mo talaga na may heavy ball chain na nakatali sa mga paa mo. Dramatic 'no? Huwag kayong makialam. Then ito, ngayon ko lang na-realize na kahit papaano e parang 'home' na rin sa 'kin 'tong Letran. "Kahit papaano" kasi ang medyo naging ka-close ko lang talaga e 'yung CLASEd6, 'yung una kong block. Nung na-deblock kami per major medyo syempre hindi ko na ka-close 'yung mga tao. Ako pa naman 'tong may attitude problem, suplado ako kung sa suplado. Hindi ako nakikipagkilala talaga. Kaya ayun. Pero maskipaps, na-miss ko sobra ang Letran. Ang ma-traffic na byahe sa kahabaan ng Mabini. Ang underpass (na ang linis na in fairness). Ang 7-11 Lawton na noong huli kong punta e ginagawa pa, at ang McDonalds Letran na noong huli kong punta e bukas pa (pero hindi na, totoo pala ang tsismis ng The Lance...). Na-miss ko si Mae, 'yung classmate ko na varsity ng volleyball na nag-quit at nag-SA sa Office of the Registrar (hello classmate!). Na-miss ko kahit papaano ang CA1A, na ngayon ay de-blocked na rin, at nahahati na sa CA3A, 3B, at 3C. Gosh... may '3' na sa mga block, pagbalik ko e thesis na kayo... That is kung makakabalik pa ako. Binasa ko ang LOA form. Kayo nga, anong interpretation niyo sa :"Students with disciplinary records, academic deficiencies, unauthorized leave of absence and/or has been out of school for at least two (2) consecutive years may not be re-admitted." Given: LOA na ako for 2 sems (1 whole year) last year. Ibig sabihin ba kapag nag-file ako this year e hindi na ako makakabalik sa Letran? Sabi ng isang SA ng Dean's Office, pwede pa. E kahit na, hindi ka batas sa Letran. Kailangan kong ma-confirm sa batas. Hehe! Buong byahe pauwi, malungkot ako. Super lungkot. Kahit na may isang sosyalerang ale na nakikipagmurahan sa cellphone niya sa saktong pagdaan ng FX sa Malate Church. Kahit na may lalaking mukhang bading na kanina pa lingon nang lingon sa likod kung saan ako nakaupo. Kahit na may dalawang lalaking mukhang promdi na nagkukulitan kahit hindi pa nagbabayad. Parang lahat sila wala doon, parang ako lang mag-isa na namomroblema at walang karamay. Ayan na naman Choi. Kwentong OSY na naman. Minsan kwentong resign. Minsan kwentong chope. Pasensya na kayo, e sa ganun lang nang ganun ang nangyayari sa akin e. Wala na nga akong matinong trabaho (matino ba 'yung bagsak ang stats mo?), wala pa akong seryosong girlfriend, wala pa akong course na natapos. Ultra Mega Loser to the Max. Balik akong Letran sa Monday. Ipapasa ko 'yung LOA form, at baka magpapagawa na rin ako ng ID dahil nawawala ang ID ko. Lekat na 'yan, P600. Ni hindi ko nga alam kung pagkatapos nito ay magagamit ko pa ang card na 'yun. Nakita ni kuya guard ang TeleTech ID ko. "'Yan 'yung sa PBL di ba? Mahina 'yan..." Tanong ko naman "Bakit kuya, nakalaban na ba 'yan ng Toyota (Otis-Letran)?" "Oo, talo nga e..." Sige kuya, salamat a. Nakakagaan ka ng loob. Nakita ko rin si Jeves, 'yun isa kong ka-block before. "Anong ginagawa mo dito?" "File ulit ng LOA... Promise next year babalik na ako." Yeah Choi, whatever. Definitely the stupidest, crappiest, unbelievably frustrating Thursday I've ever had in my life. Lalo pa't wala akong weekly dose of Will & Grace and Friends on ETC. Sa mga niyaya kong uminom: Jae, Lequi, Brian... salamat sa interes. Though seryoso akong gusto ko uminom, your willingness to heed my call is really enough. Jae, isama mo na si Dad sa wedding, para makapag-practice kayo. Yihee! Lequi, salamat sa 123456. Brian, bakit nasa Blue Wave ka nang 12am? Kay Marj, salamat sa text ha. Akala ko ipagpapalit mo ako sa LPEP. Pag bumalik ako La Salle, sa 'yo ako papa-handle sa LPEP, obvious namang balik-froshie ako pag nagkataon e. Kay Maica, salamat sa testi. Kay Simonette, false alarm. May boyfriend na pala siya. Kaya ako nagkakaganito ngayon. Oops! Huwag ka maingay! At hindi ako makakasama next week dahil wala pang sweldo 'yun. Sa mga tinext ko kung busy sila at hindi nag-reply, salamat sa honesty. Mas honest kayo kaysa sa akin, pag may nag-text sa akin ng "Tulog ka na ba?" e magre-reply ako ng "Oo, tulog na, gud pm. ü" But the fact na nasa Phonebook ko kayo means you're really a friend, busy nga lang. Kay Francine, salamat sa palaging pagbisita. One of these days makakabawi rin ako sa 'yo, just by seeing your name on my Cbox means a lot to me. Kay Paula, sa susunod na badminton makakasama na ako promise, pakisabi kay Diether. Kay Conrad, wag na tayo magbolahan chong. Fit ka jan... Asan na ang Friends CD ko??? Pasensya na sa gagong post. At least updated. Wanted clown. Or a stimulant. I've never been this sad. Gets ko na ngayon si Bam. Mahirap kapag 'yung jester na ang naging super lungkot. Pero Bam, si Niña lang 'yan. Don't be so into her, she's just a pretty face. Trust me, I've been there.
0 ang nakibasa sa assignment ko...
Post a Comment