adios...
Ngayon ay November 01 2005. Baka sakali lang wala kayong kalendaryo. Hehehehehe! At dahil November 01 2005 na, huling araw na ng pagiging 18 years old ko. Wehehehehe...
Trip ko mag-senti ngayon kaya huwag kayong makialam. Hehehehehe! E kasi naman, napanood ko na rin finally ang "Friends: The Last One," ang 2-part grand finale ng "Friends." Who'd have thought something so funny and complicated would end up so smoothly, and still, funny. Complicated kasi 6 lives 'yun, all weaved into one by love, laughter, and Central Park. Highlights ng finale: 'yung twins, 'yung habulang Rachel at Ross which almost took forever, 'yung commotion sa plane kasi sabi ni Phoebe "you've got to get off the plane... I have this feeling that something's wrong with it. Something is wrong with the left Philange," 'yung pagpapa-ubaya ni Chandler kay Joey nung Duck Jr. at Chick Jr., 'yung voicemail message ni Rachel kay Ross... 'yung iniwan na nila 'yung keys nila sa kitchen counter (akala nina Monica sila lang ni Chandler ang may keys, but turns out na lahat sila meron) pati 'yung statement ni Phoebe na "Hey, do you realize that at one time or another we all lived in this apartment?" ... and finally, 'yung final shot sa frame sa may peep hole ng pinto (alam ko trivia ng frame na 'yan...!).
You all know me people... (or baka nga hindi... hehe) I'm a super sentimental, emotional guy. Lalo na pag tungkol sa family and friends. And sitcom finale and season enders. But most specially, iba 'yung dating sa akin ng concept ng "goodbye." It's not that positive I know. Pero hindi negative ang dating niya sa akin.
Parang ngayon. I have to bid goodbye to being in between a minor and a very young "feeling mature" legally-aged dude. Pero I have to look back and see for myself how far have I gone na rin. Well to be honest, hindi siya masyadong super duper gandang period ng buhay ko. Pero during this time of my life na-realize ko talaga na "Experience is the best teacher." Kung ano 'yung experience na tinutukoy ko... kung green ka... ehem... bahala ka na sa buhay mong mag-isip. Nyahahaha!
Pero on a more serious note, sobrang daming nangyari sa akin nung nag-18 ako. I had to leave DLSU. Heartbreak talaga sa akin 'yun. Nakapasok ako sa Letran na hindi ko sobrang tanggap sa sarili ko. Good thing natutunan ko nang maging isang Knight. At ngayon naman, just recently lang, nagbabanta na naman ang isang tangkang paglipat ng unibersidad. Akala ko pa naman I have the courage to speak for myself and defend my preferences, pero heto, kinukumbinse na naman ako ng nanay at tatay ko na huwag nang ituloy ang Communication Arts at mag AB-English na lang. Pero ngayon naman kahit papaano nakukumbinse ko sila nang kaunti na dito talaga ako masaya. Pero ganun naman palagi, pagdating sa issue tungkol sa course ko. They'll leave me alone, make me think na OK na sa kanila, then when something comes along and they see even the slightest of an opportunity, they'll try to talk me out of it na naman. It's not that I have the worst parents. My God, mahal na mahal ko sila and alam ko na mahal din nila ako. Pero kung may parent-kid issue na hirap talaga kaming i-settle, ito na 'yun.
18 din ako nang mag-umpisa akong magtrabaho. God, sobrang fulfilling! Mahirap at stressful, oo. Pero 'yung fact na sumsuweldo ka twice a month, may nabibigay kang pera sa parents mo (sila kasi nanagbu-budget e, kapag ako 'yan, wala nag ibubudget... hehe!) at may naipambibili ka ng mga bagay na gusto mo, at nakakaltasan ka ng buwis na ninanakaw lang ng mga tao sa gobyerno na hindi mo naman binoto (nung last election hindi pa ako botante e...), iba 'yung feeling, sobra. Though I won't deny na hindi din ganun kaganda ang experience ko sa previous company ko. Pero if there's anything, sa kanila ko utang kung ano ako ngayon. Una, sa accent, compared sa high school English ko, mas OK ako mag-English ngayon. Sa kanila rin ako nag-umpisang matuto ng american culture, slang, pati mura. Hehehe...! Confidence na rin at focus sa work. Dahil din sa masamang experience ko dun natutunan ko ang pagiging professional, ang patience, humility, unity, at kung gaano kalayo ang Ortigas mula sa bahay namin. Kaya kung ano man ako ngayon sa Teletech, kung isa man akong agent na *mejo mejo mejo* confident, kung nag-top man ako sa ACE at Product (na hindi ko naman pinagyayabang ha, baka sabihin niyo...) e utang ko rin 'yun sa previous company ko (na hindi ko na ilalagay ang pangalan, for security purposes... ayokong makulong...! Hahahaha!).
Ano pa bang natutunan ko nung nag-18 ako? I've decided not to smoke *ever!* and drink occasionally. Nakita ko rin ang mga high school friends ko na pumupuntang US pero atat na atat pa rin bumalik sa Pilipinas... (uuuy... hindi maka-let go!). Naranasan kong sumali at matalo sa Palanca (hello naman kasi! ang kapal din naman ng mukha kong sumali...). Naranasan kong pumila sa NBI, NSO, BIR, at sa katakut-takot na job applications. First time ko din nga palang makasama sa paggawa ng noon time show for a final requirement (saya ng taping!), at maging audience ng isang noon time show na naka-long sleeves. Ano pa ba... ah! Syempre... first time kong matuto ng html sa blog na 'to...! Yehey! Galing...!
Sobrang dami pang nangyari sa akin na alam ko e hindi ka naman masyadong magkaka-interes basahin kahit na super close tayo. Kasi may sarili ka ding buhay na dapat i-asses di ba? Pero ito 'yung mga sasabihin kong highlights for the year that passed. 'Yun para sa akin ang importante if you have to say goodbye. Never forget those things na importante, maganda man or masama. Kasi it'll make you a better person in so many ways. Hindi ko alam kung bakit ang drama ko ngayon. Hehe! Pero hindi pa ako mamamatay ha! Hindi pa ito super goodbye... Kailangan lang isara ang isang chapter ng buhay ko to give way to a brand new one.
Ganito na lang, if you still think of goodbye as something negative, just think of the word ádios. Now take off the first letter. Just keep in mind na letting go of something, or someone, doesn't have to be so bad. Because it's God's will. Cliché na kung cliché pero it really is God's will. At cliché na rin kung ciché pero kapag talaga may nagsara na pinto, may bintanang bubukas. Uhm... sorry... minsan akong naging Maryan Camp Facilitator kaya marunong ako ng mga ganitong lessons in life. Hi Sir Tan. Haha!
excess... final taping na ng Ikaw Ang Lahat sa Akin bukas. Tinawagan ako ni Bea to confirm. Hehehe!
1 ang nakibasa sa assignment ko...
wow naman ang drama mo ngayon.. happy birthday!!! :)
Post a Comment