aux 8... waaaaa!!!
Putsa... stressed na stressed na stressed na stressed na stressed na ko.
Alam mo 'yung feeling na kulang ka sa tulog dahil ginising ka ng nanay mo para kumain kahit na nagpapapayat ka (hehehehe... actually hindi 'yun ang problema) pero kahit kulang na kulang ang tulog ay pumasok ka pa rin sa shift dahil last day of the week mo na (Tuesday-Wednesday off ko) at dahil wala kang pasok the next day ay eager ka pa ring mag-update ng blog pero ayaw maki-cooperate ng toddler mong PC (toddler kasi 4 years old na 'yan... well... whatever).
Hindi ko na 'to kayang palampasin. Eight hours a day sa work (2 hours from the previous night and 6 hours of the next day) e nagtitiyaga ako sa isang stupid software na walang ibang alam gawin kundi error messages, system halt at service unavailability, tapos pag-uwi ko sa bahay ganun din ang mangyayari. Holy crap... sorry pero over na 'to.
Dito sa bahay, five times na siya nangyayari. First time, gusto kong i-post 'yung ginawa kong short story. E di OK na. "Publish Post" button na. Loading... loading... Page cannot be displayed. Aaaaayyyy... sayang naman. Sige next time na lang.
Round 2. Nakita ko sa Friendster 'yung group pic ng Wave 15-A, 'yung mga kasama ko nga sa ACE at Product Training. Mega upload at kwento naman ako and all. *Poof!* It became Koko Krunch! Joke! Nawala na lang bigla ang Internet Explorer ko. Ano ba yaaaaaannnn... Pero naisip ko next time na lang din.
Take 3. Try ko ulit i-upload 'yung short story ko. Tiyagaan. Yehey...! Na-post na. Check ko kaagad 'yung blog ko. Whatthefax... bakit may chinese characters dito???
Strike 4. Eto lang. Eto lang talaga. Hours ago. Go na go ako magkwento tungkol sa meeting kanina ng team na nauwi sa instant bonding session. Anak ng windows o! "This program has performed an illegal operation and will be shut down." Grrrr! Anong illegal sa pagpopost ng blog?
And we haven't stopped yet. Eto malupet. Fab 5. Apat lang talaga siya originally. E di ginagawa ko 'tong post na 'to. Dahil stressed out ako, may napindot ako. O, asan na 'yung mga letra... bakit naging blank screen. Undo. Undo. Undo!!!
Pasensya na sa dami ng reklamo ha. E sa hindi ko na kaya 'yung stress e. Sa bagay, kung ang tao nga nagkakamali e, 'yung mga bagay pa kaya na gawa ng tao? Pero hello, hindi ko kailangan ng logic at philosophy ngayon. Ang kailangan ko, internet access, matinong Web browser na magmamatch sa hype at momentum ko sa pagbo-blog. Na ngayon e nawala na.
Naalala ko tuloy 'yung customer ko kanina. Sup call amputsa... Nag-place daw kasi siya ng order sa website pero ayaw gumana. Error daw sa credit card. At dahil mayaman siya mega try siya sa marami niyang credit cards. But to no avail. Kaya tumawag siya sa amin at minalas na sa akin lumusot. Bumungad ba naman ng "I want to talk to your supervisor." Ang lecheng matanda. Magrereklamo lang daw. Ang dali-dali naman daw ilagay sa website na "system down" or "website under construction" e pinagod pa raw namin siya, thinking na it's something with his credit cards. E lolo, mawalang-galang na ho a... may sa tanga rin naman ho pala kayo e. Kung alam lang naming magloloko ang system, we won't be having this conversation. And, OK, given na kasalanan namin na nagloloko ang system. Kailangan bang irate? Buti ka nga maraming credit cards e! At buti ka nga diyan place lang ng place ng order. Alam mo 'yun, parang, big deal ba dapat 'yung issue at kailangan pang sup call? (Uy, baka isipin niyo barubal akong agent at bastos sa matanda a... may customers lang talaga na, good lord... pwede ko ba silang bagsakan ng phone? Hehehehehe!... Believe me, it's different kapag kausap mo 'yung mga hindi mo kalahi at sisigawan ka as if they're dumber than them).
Sorry, alam kong pointless na ako at nagagaya na rin ako sa matandang 'yun pero, at least it's my blog di ba. I have to release this tension dahil mamamatay ako sa stress pag nagkataon. Gusto ko sanang isipin 'yung linya ni Ate Rc, "...hapitots..." pero ewan. Ano bang "hapitots" sa buhay ko...? Puyatan, selosan (sana lumipat na sa Novaliches ang Accenture), and on top of all these, a system crash? Siguro kaya ganito dahil nagiging super techie na ako of some sort. Pero ewan ko, ito nararamdaman ko ngayon e. I just need to vent all these out.
And... nga pala... AUX 8 is what we do enter on our phones kapag nag-hang ang PC namin. Request for permission to be on Aux-work for minutes while restarting the system. Saka ko na lang ie-elaborate ang Avaya... pagod na ko e.
excess... TL Marie, add mo na ako sa Friendster ha. ü
0 ang nakibasa sa assignment ko...
Post a Comment