Ilang minutes na lang matatapos na ang araw na 'to. Officially, hindi ko na birthday. Officially, umpisa na ng isang buong taon ko bilang isang 19-year-old-single-out-of-school-call-center-career-focused young man.
To date, ito na ang pinaka-OK kong birthday. Pinaka-OK kasi naman hindi naman super da best, kasi naman simple lang siya talaga, kung baga sa meeting e "closed door meeting" at super kami-kami lang. Hehehehe! Kasi sa E-VAT ng buhay ngayon, mahirap magpa-party. But just the same, it's something na hindi naman disappointing and frustrating (18th birthday ko yata 'yung malungkot ako dahil may sakit si Papa tapos the whole day e nagpunta kami sa isang seminar something tungkol sa kung paano siya pwedeng gumaling, ayoko na i-elaborate kasi wala lang... hehe...). Truth is, marami akong plano for this day pero dahil sa mga hindi maiiwasang bagay --like gusto ko ng night-out with Wave 15-A kaso iba-iba ang shift namin, or gusto kong i-treat for lunch ang Thomas kaso nauna na si Ronald (belated Happy Birthday!) kaya nilakihan ko na lang share ko sa coffee shop at sa tagay-- e nag-stay na lang ako sa bahay, at worthwhile naman siya.
So how did the whole day go? It's like a normal day with perks. Hello, it's not everyday na may babati sa 'kin ng Happy Birthday. It's not everyday na magdadala ako ng Mister Donut for a breakfast after-shift meeting. It's not everyday na may spaghetti at cake sa bahay (every year, though, kasi 'yun talaga ang palatandaan ko na birthday ko. Haha!) It's not everyday na sisirain ko ang diet plan ko (after ilang weeks na low-to-no carb, hala... niyari ko 'yung spaghetti at cake... hehehehe!) It's not everyday na may hahalik sa 'kin (the sweetest, most unforgettable birthday kiss ever...) Pero the way I look at it, hindi naman siya super distinctive na birthday ko. Parang... wala lang. Matatapos din 'tong araw na 'to. Hindi tulad ng mga artista na, goodness... month long celebration ang birthday. Parang, "isang buwan bang nag-labor ang nanay mo sa 'yo? Akin kasi 8 hours lang e..."
Ayun lang... bagong taon na naman 'to para sa 'kin. Kaya naman naisip kong gumawa ng New Year's Resolutions. In fairness naman, first time kong gumawa nito, kaya sana masunod ko siya... Hehehe...
MASTERCHOI's MASTER NEW YEAR'S RESOLUTIONS:
Never na akong magiging late. (Woah! Ang bigat! Sabi ko talaga dati hindi ako si Choi kapag maaga akong dumating. Pero malay niyo naman magawa ko di ba. Sa Thomas people na nagbabasa nito, itaga niyo sa bato, pag nagkita tayo, hindi na ako male-late. Kasi hindi na ako magpapakita sa inyo. Nyahahahaha!)
Seseryosohin ko na ang facial treatment at pati na rin ang diet at workout (Aminado talaga ako na pagkatapos ng unang-una kong derma session, tinatamad na naman akong ayusin 'tong mukha ko. May sabon kasi saka cream na kailangang gamitin e. Isama pa 'yang diet na 'yan. At ang workout, January pa ang umpisa. Pero basta, pinapangako ko sa sarili ko na the next time may makakita sa aking kakilala na matagal akong hindi nakita, mahihirapan siyang maghanap ng taba. Target ko before summer, 130-140 lb from my current 160 or 170lb. Mark my word. *ay, ang sungit!* Hehehe! Syempre naman para pag nag-beach bonding ang team namin or ang Thomas e pan de sal ang nakikita sa akin at hindi salbabida. At matupad na ang pusta ko kay Dianne na makikita niya rin ako sa Mossimo Bikini Summit. Oh, this is too much. This is creepy. Next...!)
Focus na ako sa budget. (Isang bagay na minsan e nama-master ko na pero once na makita kong ang dami ko nang maipon, hindi na ako mapakali. Ewan ko ba. Temptation comes in really great packaging. Ano daw? Hehehehe! Basta ganun.)
Seseryosohin ko na ang trabaho. (Ano ba 'yan, call center career na nga lang hindi ko pa ayusin. Sisikapin ko na talagang sundin strictly ang call flow, ang Am-speak, ang proper navigation, correct transfer procedure, pacifying an irate customer, pati ang proper break schedules. Hehehehe! Mabuti na 'yung habang umpisa pa lang e itinatama na ang mga mali. Pero ang sarap kasi minsan mag-call avoidance. Hehe! Ganito na lang iisipin ko, sa bawat call na hindi ko inaayos, isang season ng Friends at Will&Grace DVD ang mawawala sa akin, isama pa ang bagong cellphone at laptop. Putsa, laptop! Kailan ka ba mapapasa'kin???)
Hindi na ako magpapaka-torpe. (Woah... mas mabigat pa sa mga naunang items... combined. Honestly habang tinatype ko natitigilan ako. Hindi ko alam kung kaya ko. It doesn't mean being 'sobrang presko' pero sana mabawasan ko na ang pagiging mahiyain. Kaya ako napagkakamalang bata e. 19 years old and without a serious relationship once and for all, masama na 'yun.)
Magiging decisive na ako. (Quoting my friend Dianne, sabi niya sa akin, "napaka fickle-minded mo talaga!" Kaya this time hindi na. Alam ko it'll take time and maturity, pero mamamaster ko rin 'yan. Pagiging firm sa decisions. Kapag sinabi kong gusto ko sa Letran, go! Kapag sinabi kong gusto ko sa Comm Arts, wala kang pakialam. Seriously, isa itong mabigat na resolution. Imagine pader ang gigibain ko. Hehehehe! Peace Ma! Salamat sa cake at pasta at chicken at electric fan... hehehe!)
I'll try my best for shorter porsts sa blog. (Tila nakakalimot na ata ako sa principle of editorial writing na dapat short and concise lang ang sinusulat. Kasi wala namang pakialam sa 'yo masyado ang readers, at they don't have a lifetime to read the bullcrap you've written on paper. Kaya promise ko sa sarili ko at sa readers, shorter pero mas enjoyable na entries. Na syempre mangyayari lang kung araw-araw akong magpopost. Sana magawa ko talaga...)
Tutuparin ko na ang lahat ng mga pinopromise ko. Otherwise I won't say "I'll promise I'll do it." At kasama dun ang lahat ng nilagay ko dito. (aya Plaridel peeps, kapag sinabi kong wait lang kayo dahil naaalala ko pa rin ang utang kong Cibo, at kapag sinabi ko sa 'yo Simonette na sa next time na gumimik ang Thomas e ako ang taya... hm... no comment. ü)
Tapos na ang araw na 'to. Wow... iba ang feeling. 19 na ako... Yehey...! I'm slowly drifting away from my kiddie image. Sana ang mga tao ganun din, makalimutan na nila 'yung totoy image ko. Lalo na sa work, palibhasa kasi sa wave, ako yata ang pinaka-bata. (Sa batch A ako, pero sa kabila, sa B, ewan ko). But I know na ako dapat mag-prove nun sa kanila. Well... wait and see people. Yuck, ang yabang! Hehehehe!
Nga pala... salamat sa lahat ng nakaalala. Kahit team ko lang ang naalala kong dalhan ng Mister Donut, babawi ako. Thanks talaga ha!
0 ang nakibasa sa assignment ko...
Post a Comment