thr3epo.intzer0

 

Powered by Blogger

 

 

 

bakit "three point zero?" madalas kasi sa ibang school pasang-awa ang 3.0, pero sa la salle, maswerte ka na sa tres. hehehehe! feeling lasalyano? medyo lang. may sarili lang din akong standards. at hindi kasi ako yung tipong taong masyado mataas mag-ambisyon. in my everyday struggle in life, todo na yun, at mataas na grade na ang three point zero. for that reason, plus the obvious fact na third layout revision na ng blog ko. kaya version 3. kaya three point zero.

 Free Web Site Counters
Free Web Site Counters

 

 

 

 

 

 

 

 
alphabet ko... bakit ba?

spiring writer/location manager/DJ
atang Pasay
ommunication Arts undergraduate
ating University journalist (Plaridel...!)
x-Lasallian (BnE 2006... huhuhu...)
irst Year college... pa rin...
old's Gym - TeleTech member for P800!
ollywood sitcom buff
mpulse shopper... swear!
ason Mraz' all time fan (woohoo!)
wela and corny all at the same time
ogin ID 78117 (Sprint use only)
all-hopper... movie-goer...
ovember 02 1986 (alam niyo na ha ü)
n-leave from College... 2 years na...
rimetime TV ang pastime
uaker
® Instant Oatmeal lover-hater
eplay request (mahilig sa reruns...ü)
piderman (sa past life nga e!)
azo
® Green Tea from Starbucks ü
lysses Konstantin Manuba Largado
ery very very fickle-minded (yan a!)
ebsite designer/messer
E-accounting stud... haaaay...
oungest CSR ng buong wave... ye!
odiac: Scorpio (horny at romantic) 


cbox for all your shoutouts...!



previous posts syempre


frequently-visited sites, ewan kung bakit 'science'

[animo] [arriba] [bloodie cuties]
[
friends network] [friends transcript]
[friends video fever] [future] [inbox]
[internet radio] [maroon forum]
[movie and tv skeds] [movies]
[mraz podcast] [pahayagan] [pinoy forum]
[tabloidal] [tv2] [tv23]
[will and grace transcript]


blogs of friends na mas may kwenta kaysa sa 'kin

[chris] [cK] [cy] [dave] [dee-aye] [francine] [glaiza] [lequi] [macri] [noreen] [phil] [pinoyguyguide*chris] [rc] [rexyjolly] [ronald] [simonette] [tara] [toni] [winkle] [yshie]


quotes in english...

RADIO ANNOUNCER [VO]
And didn't Daddy tell us: "Winning goes to the one who wants it most"?
(quote from a radio announcer on voice over, capping Episode 4 - "Who's Your Daddy?" of "Friday Night Lights")


quotes in filipino... ano ba!?

Oist mga peeps! Gs2 nyo bng mg team building 4 d last tym? Txt bk please.
[allan 20-Nov-2006 12:59:23]

*o di ba allan, walang sawaan? sa akin OK lang, basta may budget... saka 'yung christmas dinner pa ng team ha! pati kris kringle...!*


you find God in these people... minsan pa nga in your own self... wala lang! hinanapan ng relevance e no... pics lang yan!


 

 

 

20051123

missing green

Super biglaan ata ang post na 'to.

May posts actually na matagal ko nang naisulat at waiting for publishing, pero feeling ko uunahin ko 'to.
After a long time, ngayon ko lang na-check ulit ang email ko. God... ang dami na palang nangyari sa previous org ko. Ayoko nang i-elaborate, it's something na within their circle.

I miss Plaridel so much. But more than missing them it saddens me that something really serious has been going on lately. I know I don't have much of a right to speak about, or for, the org. Pero hindi ko mapigilan. I've been a staffer once (once lang talaga kasi nga after a year I left the university) pero to say that I've grown to love and treasure the org is just an understatement.

Ang nakakalungkot kasi, I don't know much of the story, but I'm getting the general feeling that the people are moving apart. Sobrang nalungkot ako sa isang email (hi Anne! mapapadaan ka kaya dito?) dahil may nabanggit siya about people being on LOA. Sobrang na-imagine ko, God! Ang luwag ng opisina! To think na dati super ingay ng office, agawan sa computer (o sabihin niyo na naman ako lang ang matakaw sa internet! press week namin! hahaha!), masasabi mong may crowd. Tapos 'yung crowd umaabot ng gabi at nagkakayayaan sa last full show sa Rob Place. (hehehe!) Tapos ngayon na-imagine ko na, 'yun nga, sobrang konti na ng nagre-residency, and nagkaka-iringan na and all ("iringan" nga ba 'yung term?), nakakalungkot talaga.

Though alam kong not all readers (na as if super dami) of this blog will be able to relate, mas pinili kong sa blog mag-react kaysa i-email sila kasi nga sobrang out na ako dun sa grupo (officially, though sana considered pa rin nila ako kahit as a has-been staffer...), at baka lumabas pa akong epal. E tutal blog ko naman 'to di ba, so OK lang. Kaya 'yun.

Feeling ko may lumalawak na dividing force (huh?) between the staffers at sa EB. I can't help but react as a staffer. Kasi naman po I've never been part of the EB. And honestly, tinamaan ako sa email ni Kuya JJ. Kung may evaluation ako sa sarili ko, mas maraming beses na pasaway akong staffer. Delayed sa info gathering, sablay sa interview ('yung interview ko sa Meteor Garden voice talents, pati 'yung kay Direk Gil Portes... tsk tsk tsk), late magpa-placing, kaya kahit hanggang ngayon gusto ko pa ring mag-sorry. And this also goes out to the current staffers (na ewan ko lang ha kung may makakabasa...). Sana naman maging responsable tayo. Isipin niyo na lang kung bakit kayo sumali sa Plaridel. Sana huwag mawala 'yung passion sa pagsusulat. Kasi kung may passion ka, kahit anong pressure or stress, gagawa at gagawa ka ng paraan magsulat, kasi you can't afford not to do the thing you're passionate for. Parang kapag in love ka, dapat ipaglaban mo di ba? (EHEM!) Same goes with the org. Sana huwag niyong hayaan na tuluyang may mangyari sa org dahil lang sa hindi mo feel magsulat (or kumuha ng photos or mag-layout). Sana huwag mawala 'yung passion (na sana e present ever since you got into the group... present nga ba?). Lahat tayo may luggages, may personal priorities, pero sumali ka sa Plaridel, panindigan mo. And stay with the org, continue to write not because you have to, but because you love to.
And with passion, everything will fall into place. Pati 'yung harmony sa pakikisama sa ibang tao sa group. Syempre grupo 'to, you're not supposed to work alone. Sana lang huwag din mawawala ang respeto.

Sa mga EB naman, noon saka ngayon at sa mga magiging EB, salamat sa inyong lahat kasi...basta. Nakakabilib kayo. Astig. No wonder hindi ganun kadali ang screening para maging top 3 (or 4). Kasi hindi rin ganun kahirap ang responsibilidad. Kina Ruby, Dee-Aye, Kuya JJ, Ellie, kahit hindi ko inabot 'yung term niyo, salamat na rin sa effort na kahit na anong mangyari e alam kong may effort and willingness na maging united. Mahirap maging diverse, pero given 'yun kasi isang buong EB kayo. So same thing, respeto. Kaya niyo 'yan.

To Dee-Aye... dude, nung tatlo tayo ni Chris, alam ko kayong dalawa talaga may ambisyon for an EB post. Honsetly, (seryoso) ako talaga wala, kasi na trauma na ako from high school. Ngayong nakita ko kayong nasa EB, I'm so proud of you two. Whatever happens, sana mapanindigan niyo yung posts niyo. Dee-Aye, kung ano man yung nangyari, sana maayos 'yun. Alam kong hindi ka gagawa ng isang bagay na makaka-"stain" sa post na alam kong pinaghirapan mong makuha.

Sorry kung ang preachy ng dating. Sabi ko nga, kaya ayoko na isend sa email, baka itsurang epal e. Pero just my three cents worth (e sa three gusto ko e). Sabihin niyo na ring bitter ako kasi I really wasn't able to stay for long. But just the same, Plaridel has always been one unforgettable thing for me. Dun sa one month na lumabas ang name ko sa staff box (dahil last month na lang ako naging regular), sobrang memorable 'yun sa akin. Kaya sana magtagal 'yung grupo, and maayos kung anumang gusto meron.

Final note, naalala ko 'yung thing from Kuya JJ about "Dakilang Layunin." Sana hindi lang siya isang part ng newspaper every month, katabi ng staff box. Sana sa tuwing tinitingnan ng bawat member (in general) 'yung pangalan nila sa staff box, mabasa at maintindihan rin nila 'yung Dakilang Layunin ng Ang Pahayagang Plaridel. Sana palagi nilang maisip na kaya nasa staff box ang pangalan nila, e dahil sa Dakilang Layunin na 'yun. It serves a purpose, kaya dun siya nakalagay. (Actually, minsan hindi siya dun nakalagay, pero hayaan niyo na lang ako sa analogy ko). And just the same, every member serves a purpose, kaya ka nasa Plaridel. Hindi ako perpektong staffer, and I've learned from my mistakes, and again ayokong maging preachy. But since wala akong chance para bumalik at makatulong, sana with this reminder makatulong ako na ma-unify at maging strong ulit 'yung org. I believe kaya niyo 'yan.

(Huling hirit na... malungkot lang rin talaga ko kasi Cy scheduled a BnK reunion this Saturday, pero busy lahat kaya walang naka-reply. E kaso, I was able to get this Saturday off kaya available ako, kaso nga hindi na pala tuloy. Tapos nalaman ko pa nga na may ganito. Pero CY, wala akong pressure sa 'yo a. Basta sabi ko kahit kelan pa 'yan aattend ako. Keep me posted po. Thanks!)

1 ang nakibasa sa assignment ko...

at ang sabi pa nga ni Anonymous Anonymous...

choi..

hehe. si DA kasi may RELSFOR sa infanta, quezon, overnight kaya di sya pede. sya sisihin mo, kasi sya ang nagsabing sat. ng november tas sya pala nde pede. hehe

choi, marami nang nangyayari sa plaridel. as in. kung alam mo lang sana kung gaano ko na gustong magwala at harapin yung mga taong involved. pero like you, wala na rin akong karapatan dahil wala na ako sa la salle. mahirap maging tahimik, pero i chose to shut my mouth (as of press time). hehe. di ko lang alam kung hanggang kailan. pero PUNYETA!!!!!!!!!!!!!!! mild pa yung pagkakasulat ni anne. Worse if you're there.

weird. patay-sindi ilaw ko rito sa kwarto. hehe. anyway, ill keep you posted. :)

Wednesday, 23 November, 2005  

Post a Comment