Wow!!! Bagong layout ulit!!! Maganda ba o overloaded? Na-appreciate mo ba o hindi? Well, kung anuman ang sagot mo, wala akong pakialam. Dahil for the next couple of months (or feeling ko forever na 'to, 1 month in the making 'to a!) e ito ang makikita mong layout.
Nga pala, obviously, lumipat na ako ng bahay. Umalis na ako sa blog-city. Nuknukan ng kaboringan dun e. Kaya kahit mahirap e nag-crash course talaga ako ng html (self study yun ha!) para lang makalipat dito sa blogger. And I guess (and I hope) na they all pay off, my efforts i mean.
Bagong server, bagong blogsite layout. Wait... there's more! Hehehehe! May bago na rin akong trabaho. Hehehe! Ang sama talaga ng ugali ko. Kaya 'yan, ngayon balik-trainee na naman ako. Dito na ako ngayon sa Teletech sa may Roxas Blvd. (and read it as /row-haz/), dun sa may Macapagal, sa may itinatayong SM Mall of Asia. Malapit kami dun.
And as always, super sarap pa rin maging trainee. You're paid to be taught of new things. Parang sa halip na nag-enrol ka at naglabas ng pera, binabayaran ka pa ng kumpanya para turuan nila. Astig di ba? Plus, syempre dahil training, panibagong grupo na naman ng mga taong dapat pakisamahan. At compared sa dati, I could say na mas fulfilling yung experience ko ngayon when it comes to dealing with other people. Mas OK na ako makisama. Hindi na ako super duper KJ at anti-social. Siguro it'll really take time and maturity talaga. 'Yung mga nangyari sa training, next time ko na lang ikukwento.
Ang importante e 'yung mangyayari bukas. Nesting na. After weeks of training, it's now my turn to try my luck with phone calls. Again. One of the largest electronics shop in the US ang account namin. (Ngayon ko lang nalaman na bawal pala i-disclose ang information kagaya ng account kapag sa call center nagtatrabaho. Clue: BBY.) Unlike sa dati ko, hindi required ang sales, though wala ka commission when you get one. Hindi required ang 'ask for additional concern' and 'confirm satisfaction' na minsan ay kinapipikon ng customers. Pero unlike sa dati kong work, medyo mas komplikado ang hard phone (never ko yata talaga makakasundo ang Avaya), at super mega required gumawa ng case to document the call, isama mo pa ang pagpuprusisyon ng mga system sa bagal. Pero weighing things, hindi naman sa may angst ako, I guess I'll like it here.
And dahil first time ko ulit mag-take ng calls, syempre pinroblema ko na naman ang pangalan ko. And this time, si Cris (trainer namin. Hi Crisanto! Joke! Peace tayo!) na ang nagbinyag sa akin at nagbigay ng name. Thank you for calling B--- B-y. My name is Constantine. How may I help you?" Nyehehehe! Good luck na lang Choi, er, Konstantin, er, Constantine.
'Yun na lang muna, kailangan ko na matulog. Para makabawi. And speaking of bawi, asahan niyong babawi talaga ako sa blog ko. Basta makikita niyo na lang. Hehehehe!
Masterchoi. Welcome back to the blogging world...!
0 ang nakibasa sa assignment ko...
Post a Comment