don't whack...
[Haaay... missed those days na ang blog entry ko pa e may one word description of what I'm currently feeling. Which is very useless because it usually follows a long post as to why...]
Well so much for this. Baka masyadong mabati e. Baka mas malas pa ang October pag nagkataon. Ahihi! Huwag naman sana. Huwag sana.
Tila ibon kung lumipad... Ay mali. Tila one entry ago lang ang statement na 'yan. (Pasensya na sa corny na hirit, inaaliw ko lang ang sarili ko e). Sad to say, nangyayari na ang jinx. Lahat ng nasa statement na 'yan, minus the "ahihi" dahil hindi ako natutuwa.
Sabi ko sa sarili ko, magka-kuryente lang, papasok talaga ako. RDOT. Palagi niyo siyang nababasa sa blog ko pero dahil ang isang mabuting CSR ay anti-jargon, ang ibig sabihin nun ay Rest Day Over Time. Papasok ka sa araw ng pahinga mo. So kahit may urge ako (at ang nanay ko) na sa bahay na lang at manood ng PDA UpLate, go pa rin ako. Ang isa pa nagpalista ako ng RDOT every Mondays.
Expected ko naman na queueing sa dami ng agents na pull-out ngayon for training dahil sa bagong UBP system. Pero, namputsa naman o. Malay ko bang lahat ng pangit ng calls e mapupunta sa akin. Hindi niyo man naiintndihan kung bakit ako napapraning ngayon, 'yan ay dahil sa QA day ko ang Monday at Tuesday. And I know these Monday calls are recorded, so good luck. Lahat ng calls ko mahahaba, and hindi malinaw lahat ng resolutions. Crap.
Praning na kung praning, pero bata pa lang ako, (Grade 3 to be exact), naniniwala na ako sa jinx. Alam ko na ang araw na swerte or malas ako. Naalala ko pa nga, may panyo ako na swerte, may brief ako na swerte (pero mas swerte ako nung mga araw na wala akong brief), may swerte akong araw (Tuesday dati, naging Wednesday, ngayon depende na sa last shift day for the week). Alam kong masamang maging masyadong believer sa mga ganitong bagay, at alam kong ikaw ang gumagawa ng sarili mong kapalaran. Pero admit it, pang-long-term ang rule na 'yan. On a day-to-day basis, may jinx. May bad hair day. May sumpa. Kahit wala kang bagua, o hindi pa kayo nagpapakasal ng kapatid mo na sukob sa buwan.
A basta. Pakshet! Malas! Rar!!! Well, still not losing hope, though. Pwedeng super malas kapag na-evaluate ang calls for tonight, or swerte kung may chance pa ako for tomorrow. It's still early to tell, I must say.
Nga pala, wala pa rin kaming monitor. At walang IE ang computer sa pantry namin. Nag-rent ako ng PC sa may Malibay. No offense meant, pero hawak ko pa rin ang clutch bag ko nang mahigpit. Malibay pa rin 'to. Mabuti nang praning kaysa ngumalngal ako over a snatched bag. No message sa Friendster. Nakaka-disappoint lang kapag may ininvite kang maging friend and they denied your request. I mean, nothing against you guys. Kung may galit kayo, or may magagalit, or na-deny niyo by accident, OK lang. I'm just telling the truth na nakakasama ng loob if someone denied you a friendster fellowship. I mean, honestly, hindi naman nakakatuwa di ba? So, the exact opposite. Pero hindi ako galit otei? It's your account anywa, at hindi pa ako namamalimos ng friends.
Moral lesson: Don't whack. Meaning: huwag magbati, er batiin ang mga bagay. Believe me, may jinx.
0 ang nakibasa sa assignment ko...
Post a Comment