rant model
I can't believe I survived a crappy weekend. Sobrang jinx ng week na 'to as in!
Monday
Nag-away kami ng nanay ko. Actually, inaway ko siya, at silang lahat sa bahay. Kasi naman, 0630pm na nang inutusan ako ng nanay ko bumili ng tinapay, syempre para sa tindahan. Sandali lang daw 'yun. E anak ng tinapay, pagbalik ko 0700pm na. Hinintay ko pa kasi maluto e. By then dapat naliligo na ako. E kaso kakaluto lang din ng ulam. Kaya 0730 na ako nakaligo. At hindi ko pa mahagilap lahat ng damit ko. Rar! It hurted me when I'm freaking out, yelling and all at her, kasi alam kong sobrang pagod 'yun ngayon. Physically, emotionally and all. Kaya lang kasi, as teammate Dave puts it, I'm the "Master Beater" (say it loud at matatawa ka) kasi I always beat the time at bihira na akong ma-late. Sorry po, stressed lang din. Magkaiba lang ng level, pero stressed lang tayong pareho.
Tuesday
OSC shuffled our schedules. Opening ang team namin, 0600am-0300pm MST (which is 0800pm-0500am Manila). Ang mga lola mong matatalino from OSC, nilagay kami sa closing, 1200pm-0900pm MST (or 0200am-11am Manila). Nakatunganga lang daw kasi ang opening shift dahil avail, habang lawit na ang dila ng closing shift dahil sa queueing. Kung hindi ba naman mga paksyet... sino ba ang nag-design ng shift na sana kasi e naka-pattern sa forecast ng calls? 3 teams ang nasa opening, natural pag nag-logout kami ng 0500am good luck sa maiiwan di ba? The new shift will last for 3 weeks, leaving me with no night differential pay, no holiday pay on Monday (the Monday shift falls on Tuesday Manila time), no OT opportunities dahil avail na nga. Ano nang mangyayari sa akin?
Wednesday
"Taga-saan ka ba?"
"Pasay po --"
"O e di sa BIR Pasay ka magpunta," said in his most irritable, ang-tanga-mo-naman tone.
"E hindi nga po nila na-process kasi 'yung previous employer ko po sa Taguig kami pina-file --"
"O e di ipa-check mo, kahit sa Taguig 'yung employer e kung taga-Pasay ka naman --"
"Pina-check ko na nga po, nasa Taguig nga daw po!" Napikon ako. Sana pinapatapos mo ako magsalita. Asshole.
"A, e di magpa-transfer ka ng record."
"Kaya nga po, hindi po ba pwedeng over the phone?"
"Ay hindi."
"Sige salamat."
Mas stressful pa sila kausap kaysa nung nagpunta ako sa BIR Pasay (hey, Ronald, I saw your mom. I don't think she saw me, though.). Kulang sa active listening! Ang dali sanang sabihing "hindi pwedeng over the phone, sige babay." Ewan ko, hindi ko naiinis ako. Kaso, baka kaya sila ganun, dala ng magaspang lang talaga pag-uugali, or kulang sa sweldo at compensation kaya hindi man lang magawa nang maayos ang trabaho. Oh well.
Thursday
Pupunta dapat ako ng gym. Kaso sabi ni TL Allan, kailangan daw namin magpa-Annual Physical Examination. Ang sabi sa announcements, those who were regularized before 30 April 2006. So dapat hindi kami kasama. Kaso sabi ni TL Allan required daw lahat, or else Final Written Warning. E di sige go. Kumain muna kami ni Mela at Jae at Jam. Pagdating namin, lunch nung mga nurse. So bukas na lang. "1230pm na, sige kaya pang mag-gym..." naisip ko. Anak ng treadmill, pagdating ko sa gym, wala pala akong padlock. Pagkatapos kong manakawan on my first day sa gym 2 years ago, I don't think mapapa-gym mo ako ulit without a padlock. Punta akong Landmark, ang mahal ng mga padlock. Useless, bukas na lang ako pupunta sa gym. Punta naman akong National Bookstore dahil nawawala ang magandang Faber Castell mechanical pencil ko. Wala naman silang ganun sa Glorietta, sa MoA lang yata talaga meron. Binagtas ko ang kahabaan ng ma-traffic na Makati para makauwi. 0300pm na. Nakita ako ang nanay ko. "Anak, magpa-load ka muna ng Globe kay Johnny." Si Johnny ang taga-load ng Globe AutoLoad namin e. Hehehe! La lang. Pagdating ko naman sa tindahan ni Johnny... haaaaay... sarado! Ssttrreessffuull... The day was full of useless efforts. Lahat ng pinuntahan ko walang kwenta, naubos lang oras ko. 0330pm na ako natulog, at hindi ko na napanood ang kasal ni Eduardo kay Claudia at 'yung pagwawala ni Amor sa may basurahan.
Friday
Natuloy na ang medical namin. It's a Fear Factor Friday, as Choi faces one of his fears: lancets and blood tests. Naalala ko, hindi ko alam ang blood type ko. "Miss, pwede po malaman ang blood type?" sabi ko sa nurse. "Fifty pesos po..." Hala... pamasahe ko 'yun sa gym e. Pero... hindi ko alam ang blood type ko. Sige, hindi na ako pupunta sa gym, basta ba one time lang 'to at hindi ko kailangan ng extra blood sample para makuhanan ng blod type. As usual, masakit. Ayoko lang talaga ng kinukuhan ng dugo. Sa pimple pa man o sa kahit saan. Pero finally, alam ko na. Type A ako. Woohoo! Hindi ako ampon! Haha! Dahil din sa medical exam, nalaman kong kailangan ko magpunta sa ENT dahil palagi masakit ang right jaw ko, na hindi masamang uminom ng multivitamin, growth enchancer, at fat loss supplement all at the same time. Ang vain 'no? Hehehehe!
Saturday
This is a top secret (feeling ko wala pa masyadong nagbabasa ng blog ko from work e): nagka-commendation call ako nung Friday dhail sa fraud. Not actually fraud. We're not allowed to work on Corporate Liable accounts. Kaso it's an emergancy. The end user of the phone is a teacher with 30 kids on a field trip sa Arkansas. E sarado na ang Business department. So kaunting research lang, na-activate ko 'yung phone. Kaya natuwa ang agent na kausap ko, kaya na-commend ako. Eto ang catch, or should I say, karma: the next day, may tumawag from Trouble department, conference sa customer. So 3 kami sa linya. May problema sa activation nung phone nung customer. So I made sure na magwo-work 'yung phone niya ASAP, plus I waived his first month charge. Natuwa ang lolo mo. I ended the call, but hindi ko ni-release. Narinig ko sabi nung customer dun sa Trouble representative, "thank you for bringing me to the right person, I want to commend you... do you have a supervisor?" Kumulo agad ang dugo ko! Aba, ako ang nag-effort pero iba ang na-commend. @#%!@#%@#$^%@!!! ^$%&%&@#!!!
From 96% and 95%, naging 87% ang QA ko. Still, I didn't address the customer by name daw. I don't talk to strangers nga po... haaaay... ang tanga tanga mo Choi!
I'm glad the week is over.
[This entry is brought to you by Cbox Free Tagboard Service. Kung sino mang garapata kang nagpo-post sa tagboard ko, please don't forget that I own this blog and this tagboard. This site is my territory, I can do what I want or should do. Alam ko classmate ka namin sometime in the past dahil marami ka alam. But your getting into my nerves. And please please please do me a big favor... GO TO HELL, YOU SICK BASTARD.]
3 ang nakibasa sa assignment ko...
wawa naman si choi :(
ok lang yan.. o eto.. ako naman magcocommend sayo..
ahem.
"I commend you. Do you have a supervisor?"
haha. kaya mo yan! :)
see? that's the kind of sympathy i need. thank you soooo much. teka nagyayaya si conrad manood ng UAAP, bakit hindi niya kayo mahagilap ha?
birthday kasi ng ate ko kahapon e.. hehe. sayang hindi kami pwde :(
ayun. hehe :D
Post a Comment